Opisyal ko nang pinapatay (kahit alam kong matagal ko na siyang pinatay dahil hindi naman na ako nagsusulat) ang blog na ito. Gustuhin ko mang magpaliwanag ay hindi ko magawa sapagkat marami pa akong dapat tapusin. (Oo, marami na naman akong ipinagpaliban na gawain kaya wala na namang tulugan.)

Bakit ako aalis? Maraming dahilan. Pero wala akong panahon. Kaya saka na lang, okay?

Pero di naman talaga ako mawawala (ang labo ko lang e no?). Lilipat lang ako. At hindi ko rin naman buburahin ang blog na ito. Sana lang ay h’wag niyo akong i-blackmail gamit ang mga katarantaduhang pinost ko rito.

Kitakits na lang sa, http://talaarawanngmgatala.wordpress.com/

-gy

Advertisement