May nagbabasa pala ng blog ko, halaaaaa. Nakakahiya, mga walang katuturan ang mga pinaglalagay ko rito eh. (Parang ito.) Minsan, gusto ko na ngang i-delete dahil wala na naman nang kwenta yung mga pinagsasabi ko at pansin ko lang, sobra ata akong naging emo sa mga nakaraang posts ko. (Wag mo nang halungkatin, please. :-s)
Malamang malapit ko na ring i-delete ang site na ito. Baka kasi magamit laban sa akin e. HAHAHA.Pero siguro naman wala silang makukuha rito…o baka meron…(babasahin ko mamaya!
) Isa pa, may notebook na rin kasi akong sumasalo ng lahat ng mga nasa isip ko e. Mukhang mas maganda, naisusulat ko kasi kaagad lahat ng pumasok sa utak ko. Kumbaga, yung mga ideya ko ay parang mga donuts ng Krispy Kreme kapag nakabukas ang kanilang “Hot Now” sign – mainit pa, fresh, at…(suko na ako, ang pangit pala ng ginawa kong pag-a-associate hahaha). At doon, walang draft at di puwedeng magbura. Touch move, kung anong isinulat ko, yun na. ‘Di tulad dito kung saan puwedeng-puwede kong hindi i-publish ang mga sinasabi ko kapag naduduwag ako.
Mhmm, so hindi ko pa alam. Baka nga i-delete ko na. O hayaan ko lang. Nakakatawa rin kasing balikan paminsan-minsan.
Pasensya na, nasayang na naman ang dalawang minuto mo. Hahaha.
-gy