Maraming salamat, 2010.

Salamat dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Salamat din dahil ang mga luma’y palagi pa ring nariyan.

Salamat sa lahat ng mga kulitan, tawanan, at kaligayahan. Salamat dahil laging dumarating ang mga ito pagkatapos ng aking mga kalungkutan.

Salamat sa mga pagkadapa. Salamat sa mga taong nambato. Salamat sa mga paghihirap na dinanas. Doon ko napatunayan na ako ay tunay na malakas. (WHUT? :) ))

Salamat sa mga sandaling ang aking paligid ay napuno ng pag-ibig. Salamat sa mga taong aking minahal. Lubos ko itong pinagpapasalamat dahil alam kong may naiwan itong panghabambuhay na marka sa aking puso, hindi man ito magtagal.

Salamat 2010, pakisabihan naman si 2011 na gayahin ka. :P (O mas maganda na sabihin mo sa kanyang lampasan ka pa! :) )

-gy

Advertisement