hayy… minsan talaga makikita mo yung value ng mga tao pag halos lahat iniwan ka na.
napansin ko kasi. pag ang isang tao nagkaron ng kamalasan sa buhay, dumadami yung mga taong lumilisan sa kanya. masakit na may taong lilisan sayo, yung akala mo anjan para sayo talaga.pero acceptance. acceptance naman yung kailangan diba. kung kailangan nila talagang umalis, iaccept mo na lang. kasi kailangan eh.
pero sa bright side. kung meron ngang ksawian sa buhay ng tao. nakikita naman niya yung mga taong nandiyan para sa kanya. yung mga matatag na naging kasama niya,parang ang swerte kasi nalaman nung taong yun kung sino talaga yung makakasama niya. na nadaanan na nila lahat ng pagsubok.hindi ko sinasabi na perpekto na pag ganito. nararamadaman ko kasi, na pag andyan sila sa tabi mo..naiintindihan nila yung mga pagkakamali mo at itinatama ka na rin nila pero sa paraan na alam nilang hindi ka masasaktan..
kung sino man yung mga number 2 sa buhay ko. salamat. hindi niyo alam kung gano kayo kaimportante. siguro mababaliw ako pag walang mga katulad niyo. hayy. walang iwanan ah.
-gy myx