Not knowing is the worst feeling in the world. Pero bakit pag alam mo na masakit pa rin? Bakit dati, gustung-gusto mo malaman pero nung nalaman mo na, dinarasal mo na sana di mo nalang nalaman. Ganun ba yun? Na siguro, kaya mo nalaman para matapos na lahat. Matapos na. Kasi yun nalang naman yung kulang e. Kaya ayun, tapos na. Pero bakit ka nasasaktan? Kasi ayaw mo matapos? Kasi minsan mong inisip na sana, may maliit na pag-asa na hindi mo na kailanganing matapos ang lahat? Kung ganun, bakit in the first place gusto mo ng katapusan? Para di ka na nakabitin? Kasi diba nakakabobong mabitin nang ganun katagal? Di lang nakakabobo..masakit. At malamang sa malamang, ayaw mo nang masaktan. Eh bakit nga? Bakit ngayong nasa ‘yo na yang katapusan na yan, nasasaktan ka pa rin?! Bakit?! Sabi ni * kasi wala namang hindi masakit e. Kasi, mas madaling tanggapin mo nalang yun na alam mong totoo kaysa alam mong lokohan. Pero, bakit minsan gusto mong mabuhay nalang sa lokohan kaysa naman eto, nandyan na yung totoo. Ayan, tapos na sya. Pero ikaw, ikaw, ikaw, ikaw na dapat matagal nang tapos ay nariyan pa pala! Di ka pa pala tapos, pero gusto mong matapos. Nandyan na ang katapusan, ayaw mong tanggapin. Saklap. Hay, nakakabobo na. Tatapusin ko na nga ‘to.
Hindi ko alam kung may pinatunguhan ako. Hindi ko alam, kung may papatunguhan ako. Darating din ako sa sarili ko. Mag-antay ka lang.